Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng mga Muslim sa pagtatapos ng Ramadan o Eid‘l Fitr.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siyang lahat ng mga Pilipinong Muslim ay ipagdiriwang ang araw na ito bilang salamin ng liwanag at pagpapaibayo ng commitment para sa mas matatag na pananampalataya sa Diyos.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahalagang ituring ng mga Muslim ang pagkakataong ito para laliman pa ang kanilang papel o pagiging instrumento ng pagmamahal, sakripisyo, respeto at hindi pagiging sakim.
Hangad din ni Pangulong Duterte na manatiling kaagapay ng gobyerno ang mga Muslim sa pagtataguyod ng kapayapaan at pang-unawa sa mga Pilipino kahit ano pa ang estado nito sa buhay.
Inihayag pa ni Pangulong Duterte na ang Eid’l Fitr ay isang taimtim na okasyong higit pang nagpapatibay sa relasyon ng Muslim community sa pagtatapos ng Holy Month ng Ramadan.