Ikinalungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring shootout o misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ipinagtataka rin ni Pangulong Duterte kung sa papaanong nauwi sa barilan ang kapwa tauhan ng pamahalaan.
“The President, of course, expressed both sadness and concern bakit nangyari ito kapwa tao ng gobyerno ay nagkaputukan,”ani Sec. Roque.
Ayon kay Sec. Roque, tiniyak ni Pangulong Duterte ang pagsasagawa ng patas na imbestigasyon sa insidente at makakamit ang ang hustisya.
“Ang inassure niya ay we will get to the bottom of this incident. Magakakroon po ng impartial investigation at justice will be done,” dagdag ni Sec. Roque.
Kumpiyansa naman ang Malacañang na sa pamamagitan ng gagawing imbestigasyon ng PNP, PDEA, at National Bureau of Investigation (NBI), malalaman ng lahat ang tunay na nangyari sa likod ng insidenteng ito.