-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na suportahan ang isasagawang tatlong araw na vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Layon kasi ng “Bayanihan Bakunahan” na makapagbakuna ng 15 milyong katao sa 16 na rehiyon sa buong bansa.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na mahalaga na suportahan ang nasabing proyekto ng Departmento of Health at Department of Interior and Local Government (DILG).

Isa rin na target ng nasabing national vaccination program ay para mabilis na maabot ng bansa ang target na mabakunahan na kalahati ng populasyon ng bansa.