-- Advertisements --
Tahasang sinabi ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na papayagan niyang makapangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang China.
Sa talumpati nitong gabi ni Pangulong Duterye sa ika-122 anibersaryo ng PSG, ipinaliwanag nito na sa naipanalong kaso ng nagdaang administrasyong Aquino sa ilalim ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, hindi naman daw binigyan ang Pilipinas ng ganap na sovereign rights sa buong EEZ, bagkus ay hanggang 12 nautical miles lamang ng territorial sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang bansa sa mundo ang may sovereign rights sa economic zone.
Kaya hindi umano niya maaaring ipagbawal na mangisda sa EEZ ng bansa ang China lalo pa sa paniniwala nila ay kanila rin ang bahaging ito ng karagatan.