Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak si dating GSIS chief Clint Aranas dahil sa pagbebenta nito ng government-owned properties na hindi aprubado ng gobyerno gayundin ang mga unapproved incentives.
Sinabi mismo ni Pangulong Duterte na tinanggal niya sa puwesto si Aranas matapos nitong ipagpilitan ang pagbebenta ng 67-hectare port area property na kasalukuyang inookupa ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) na pag-aari ng negosyanteng si Enrique Razon.
Una rito ay sinabi ni Aranas bago ang kanyang reaignation na napilitan siyang ibenta ang ptoperty sa halagang P33.6 billion kung saan iginiit nito na ang GSIS ang legal owner ng property.
Ang transaksyon ay sa kabila ng hindi pagsuporta dito ng GSIS Board at una na ring tinutulan ni Finance Secretary Carlos Dominguez.
Samantala, tinangka rin ni Aranas na patalsikin umano ang operator ng Sofitel Manila dahil sa alegasyong ginagamit ng hotel ang dalawang GSIS properties at kumikita nang hindi nagbabayad sa pension fund.
Sa report ng Commission on Audit (COA), namigay si Aranas ng P100,000 na Galing ng Pagkilala incentives sa 2,615 employees ng ahensya noong 2018 nang walang approval ni Pangulong Duterte at ng Department of Budget and Management (DBM).
Magugunitang inupakan ni Pangulong Duterte ang katiwalian sa mga government’-owned and controlled corporations (GOCCs) na naging isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkadismaya ng publiko.