Nasa Bangkok, Thaliand na si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Mula sa Davao, umalis ang ito ng 7:07 p.m. ng Biyernes at dumating sa Bangkok 10 p.m.
Sinalubong ito ni Thailand Deputy Prime Minister Wissanu Krea-ngam at Ministry of Foreign Affair Protocol Director General Nadhavathna Krishnamra kasama si Philippine Ambassador Mary Jo Bernardo Aragon.
Kasama naman ni Pangulong Duterte ang ilang mga miyembro ng gabinete nito gaya nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Finance Secretary Carlos Dominguez II, Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at Trade Secretary Ramon Lopez.
Inaasahan na matatalakay sa nasabing summit ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy.