-- Advertisements --
Duterte ASEAN Leaders
President Duterte together with other ASEAN Leaders (file photo)

Dumating na Busan, South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte para sa gagawin nitong pagdalo sa ASEAN – Republic of Korea Commemorative Summit.

Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Duterte bandang ala-1:28 ng madaling araw sa Ginhae Airport kasama ang opisyal na delegasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, diretso agad si Pangulong Duterte sa hotel para magpahinga.

Nasa siyam na mga miyembro ng gabinete ang kabilang sa opisyal na delegasyon ng Busan trip ni Pangulong Duterte at kabilang dito sina DFA Sec. Teddyboy Locsin Jr., Finance Sec. Carlos Dominguez, Agriculture Sec. William Dar at Education Sec. Leonor Briones.

Kasama rin sa delegasyon sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Sec. Ramon Lopez ng DTI, Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat
at Sec. Ernesto Pernia ng NEDA.

Sabay at nauna namang nagtungo ng Busan sina Presidential Spokesman Salvador Panelo at PCOO Sec. Martin Andanar.

Mananatili si Pangulong Duterte sa Busan hanggang bukas para sa ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit.