TOKYO – Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan para sa kanyang pagdalo sa 25th Nikkei Forum sa May 30 hanggang May 31.
Bandang 8:52 ngayong gabi lumapag sa Haneda International Airport lumapag ang private plane na sinakyan ni Pangulong Duterte at kasamang delegasyon.
Kabilang sa sasalubong kina Pangulong Duterte sina Eduardo Meñez, ang Deputy Chief of Mission at Ambassador Jose C. Laurel V, Ambassador Extraordinary & Plenipotentiary, Embassy of the Philippines to Japan.
Sa panig naman ng Japanese government, kasama sa receiving party sina Ms. Toshiko Abe, State Minister for Foreign Affairs, H.E. Mr. Koji Haneda, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of Japan to the Philippines, Mrs. Ihoko Haneda, Spouse of Ambassador Haneda, Mr. Kiminori Iwama, Chief of Protocol, Ministry of Foreign Affairs at Mr. Shingo Miyamoto, Director, Second Southeast Asia Division, Ministry of Foreign Affairs.
Magpapahingan naman muna si Pangulong Duterte sa Imperial Hotel at bukas pa ng hapon ang serye ng meeting sa Japanese investors.