-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 21 09 14 25

Ikinagalak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa kanyang formal offer na maging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagsabi si Pangulong Duterte sa kanilang Cabinet meeting kagabi na mabuti naman at tinanggap ni VP Robredo ang trabaho.

Inaasahan umano ni Pangulong Duterte na habang nasa frontline ng laban sa iligal na droga, makikita at mapagtanto ni VP Robredo ang mga nangyayari sa ground.

Sa pamamagitan nito, mapapatunayan daw ng bise presidente na hindi kagustuhan at hindi kinukunsinti ng administrasyon ang mga extra-judicial killings sa anti-drug war.

Umaasa rin daw ang Pangulo na mauunawaan ni VP Robredo na ang mga nangyayaring patayan ay resulta ng paglaban ng mga sangkot sa iligal na droga tuwing may ginagawang operasyon ang mga otoridad.

“The President mentioned it was good that Vice President Ma. Leonor Robredo accepted his formal offer to co-chair the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). With the Vice President at the helm of the anti-narcotics campaign, President Duterte expects that the former would see the realities on the ground, particularly with respect to the government’s position against extrajudicial or state-sponsored killings, and understand that deaths occur due to the violent reactions on the part of agents of the illegal drug trade against the strict enforcement of the law,” ani Sec. Panelo.