-- Advertisements --
DUTERTE POINTING HANDS
President Duterte

Pinag-aaralang mabuti umano ni Pangulong Rodrigo Duterte kung nararapat ba talagang putulin na ng Pilipinas ang diplomatic relations nito sa Iceland kasunod ng paghahain nito ng resolusyon sa United Nations Human Rights Commission (UNHRC) na nanawagan ng imbestigasyon sa mga umano’y extra-judicial killings sa Pilipinas.

Sa isang panayam, inamin ni Pangulong Duterte na isinasaalang-alang niya kapakanan ng nasa dalawang libong Pilipinong nasa Iceland.

Ayon kay Pangulong Duterte, nagugulat raw siya sa Iceland dahil lagi silang nagrereklamo kaugnay sa extra-judicial killings pero mismong bansa raw nila ay walang problemang ganito.

Muli naman naninidigan si Pangulong Duterte na hindi kailanman siya haharap sa international tribunal kaugnay sa mga polisiyang ipinatutupad niya sa Pilipinas

Inihayag ni Pangulong Duterte na sa korte lang siya sa bansa haharap dahil gumagana naman daw ang proseso ng hudikatura dito at kung maipasa pa raw ang death penalty, dito na lang din daw siya mamatay.

Hinding-hindi raw siya sasagot sa mga puti o mga caucasians.

Iginiit rin ni Pangulong Duterte na hindi nila alam ang sitwasyon sa Pilipinas.

Kung pilitin daw siyang sumagot sa international court, handa siyang magbigay ng lecture kaugnay sa international law.

Inakusahan rin ng pangulo ang mga tinawag niyang dilawan at ang Otso Diretso na nag-aapura raw na humarap siya sa paglilitiis.

“Look, as I have told you before, ladies and gentlemen of the world, I will only face, be tried or face a trial in a Philippine court. Presided by a Filipino judge. Prosecuted by a Filipino. Maybe they can reimpose death penalty and die in Filipino land,” ani Pangulong Duterte.

“I will not answer a Caucasian, asking question white man there. You must be stupid. Who are you? I am a Filipino. We have our courts here. You have to bring me somewhere else? I would not like that. I have my country. It’s working. Justice is working here.”