Nagpahayag ang Pangulong Rodrigo Duterte ng suporta na ipagamit ang pasilidad ng Pilipinas sa US military sakaling lumawak ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine sa Asian region.
Sa isang online media forum, ibinahagi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez na sinabi raw ni Pangulong Duterte na kung hihilingin ang suporta ng Pilipinas, nakahanda aniya ang bansa para makibahagi sa effort ng Amerika sakaling maapektuhan ang Asian region sa nangyayaring kaguluhan sa Ukraine.
Aniya, handa ang bansa na buksan ang pintuan nito lalo na sa kaalyadong bansa na Amerika na gamitin ang kinakailangang mga pasilidad ng Pilipinas.
Maaalala na ang Pilipinas ay may Mutual Defense Treaty sa US na nagbubuklod sa dalawang bansa sa pagbibigay ng aid laban sa pagsalakay at tulungan na depensahan ang bawat isa.