-- Advertisements --
Pormal na tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump na bumisita ito sa White House.
Inianunsyo ito ng Malacañang sa gitna pa rin ng usapin sa entry ban ng US sa mga Phippine government officials na mapapatunayang mayroong kinalaman sa umano’y “wrongful imprisonment” ni Sen. Leila de Lima.
Sinabi Presidential Spokesman Salvador Panelo, tutugon si Pangulong Duterte sa imbitasyong ito at opisyal niyang tatanggihan.
Ayon kay Sec. Panelo, ang desisyong ito ni Pangulong Duterte ay walang kinalaman sa pag-apruba ni Trump sa US 2020 Budget kung saan nakapaloob ang nasabing entry ban provision.
Una na rin namang inihayag umano ni Pangulong Duterte na wala talaga siyang balak na magtungo sa US.