-- Advertisements --

Nag-alok ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng P2-milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo ng commander ng New People’s Army (NPA).

Sa kanyang public address kaugnay sa COVID-19 pandemic, sinabi ni Pangulong Duterte na ipaalam lamang ito sa mga sundalo kung may kilalang kumander ng NPA at makuha agad ang P2-milyon.

Ayon kay Pangulong Duterte, huwag lang ipaalam sa gobernador o mayor dahil baka NPA din ang nasabing opisyal o kaya taga-suporta ng kilusan.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pag-aalok ng pabuya dahil sa patuloy pa ring pag-atake ng mga NPA sa mga tropa ng pamahalaan sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ni Pangulong Duterte na kung gusto ng mga rebelde ng makipagpatayan ay hindi niya ito aatrasan para matigil na ang kanilang karahasan.