-- Advertisements --

Palalawigin umano ng Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nakatakda na kasing mapaso ngayong buwan ang idineklarang state of calamity ng Pangulong Duterte noong Marso.

“It’s on the desk of the President, probably signed by now, [and] on its way down to the Office of the Executive Secretary,” wika ni Presidential spokesperson Sec. Harry Roque.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay nagpahintulot sa pamahalaan para makatugon sa health crisis bago pa man maisabatas ang mga polisiya para sa virus response, tulad ng Bayanihan to Heal as One Act at Bayanihan to Recover as One Act.

Inatasan din ang mga law enforcement agencies na magpatupad ng mga hakbang para siguruhin ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar, kung kinakailangan.