-- Advertisements --
Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suhestiyon ng China na magsagawa sila ng joint investigation sa naganap na pagbangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy.
Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na hinihintay pa nila ang formal communication mula sa Chinese Embassy.
Nauna rito binanggit ni Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang na magiging friendly consultations ang gagawing imbestigasyon.
Magugunitang itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Foreign Ministry na ang insidente sa Recto Bank ay isang aksidente.