-- Advertisements --
Personal na bibisitahin ngayong umaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Surigao City upang alamin ang kalagayan ng mga biktima sa nangyaring napakalakas na lindol na yumanig sa nasabing lugar.
Ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Surigao City ay kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.
Kabilang sa itinerary ng pangulo sa Surigao City ay puntahan at samahan ang mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa napakalakas na lindol at personal din nitong kakamustahin ang mga biktima na nasugatan.
Nakatakda ding makipag pulong ang pangulo sa mga local officials at sisiyasatin ang mga isinagawang disaster response.