TOKYO – Ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkagimbal at pakikiramay sa naganap na mass stabbing sa Kawasaki, Japan.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa pagbubukas ng kanilang bilateral meeting ni Japanese Prime Minister Abe Shinzo sa Prime Minister’s Office.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kaisa ng Japan ang Pilipinas sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng malagim na insidente.
“Before I proceed let me express our shock and grief over the mass stabbing incident. Please accept our sympathy as we stand with Japan to bring justice to the victims,” ani Pangulong Duterte.
Kasabay nito, sinamantala ni Pangulong Duterte ang oportunidad para ipaabot ang pagbati at “best wishes” kay Emperor Naruhito sa pag-upo nito sa trono at malaking karangalan daw na maging bisita sa Pilipinas ang emperor at si Empress Masako sa hinaharap.
“I take this opportunity Filipino people’s best wishes to Emperor Naruhito on his ascension to the throne and it will be a great honor to receive the majesty emperor Naruhito and empress Masako in the PH in the near future. I look forward to personally convey the felicitations of the Filipino people to the emperor.”