-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapulisan na magbantay sa mga hotels na nagsisilbi bilang quarantine facilities ng mga umuuwing Filipino.

Ang pahayag ng pangulo ay kasunod sa nag-viral na babaeng tumakas umano sa mandatory quarantine hotel pagkagaling mula Amerika.

Sa kaniyang Talk to the People, na hindi kayang mapigilang mag-isa ng mga hotel staff ang mga tatakas sa quarantine kaya mahalaga ang presensya ng mga kapulisan.

Inaprubahan naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano ang hiling ng pangulo na maglagay ng tig-2 kapulisan na magbantay sa mga quarantine hotel.