Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi sa rekomendasyon ng Senado na ito ay sampahan ng kaso dahil umano sa pagkakasangkot nito sa Malampaya deal.
Sinabi ng pangulo na suportado niya si Cusi at binigyang kahalagahan ang ekonomiya ng local at foreign investments.
Magugunitang sa resolution na akda ni Senator Sherwin Gatchalian ay inirekomenda niyang sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang kalihim at ibang mga opisyal ng ahensya dahil sa kuwestiyonableng pagblik ng Malampaya gas field ng business tycoon na si Dennis Uy.
Ang nasabing resolusyon ay pirmado ng 18 senador at apat ang nag-abstain.
Iginiit naman ni Cusi na handa nitong harapin ang anumang kaso na isasampa sa kaniya maging ang imbestigasyon na isasagawa.