Binigyang-diin ng Malacañang na hindi pinababayaan at walang ginagawa ang administrasyon sa agresibong presensya ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanindigan sa kahalagahan ng 2016 Arbitral Ruling sa 75th session ng United Nations General Assembly.
Sa naturang ruling, panalo ang Pilipinas laban sa claims o pag-angkin ng China sa West Philippine Sea at kinilala nito ang soberenya rito ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Roque, nananatiling consistent din ang National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS) sa paggigiit ng soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa panig naman daw ng Department of Foreign Affairs (DFA), naghain na ito ng kaukulang diplomatic protest laban sa China at ipinatawag pa si Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay sa presensya ng Chinese maritime militia vessels sa Julian Felipe Reef.
Ang presensya rin umano ng Philippine maritime security and law enforcement forces ay pinagting pa sa munisiplaidad ng Kalayaan para protektahan ang mga Pilipinong mangingisda at sa mga marine resources.
“President Rodrigo Roa Duterte underscored the importance of the 2016 Arbitral Ruling before the 75th session of the United Nations General Assembly. The National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS) has always been consistent in invoking Philippine sovereignty and sovereign rights over West Philippine Sea. On its part, Department of Foreign Affairs, has earlier filed an appropriate diplomatic protest against China and summoned Chinese Ambassador Huang Xilian over the Julian Felipe Reef situation,” ani Sec. Roque.