-- Advertisements --
Mahigpit na binilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na huliin ang mga iligal na nagbebenta ng mga gamot laban sa COVID-19.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa talk to the nation nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng pangulo na dapat huliin at ikulong ng hanggang 34 oras ang mga maarestong iligal na nagbebenta ng mga gamot.
Hindi aniya nila pagbibigyang kung ang mga ito man ay may-ari ng mga gamot.
Magugunitang ibinunyag ng Food and Drugs Administration (FDA) na ang mga gamot laban sa COVID-19 gaya ng remdesivir ay ibinebenta sa “black market”.
Nagbabala na rin ang mga eksperto na ang pagbili ng mga bakuna sa black market ay maaaring masabotahe ang vaccination program ng gobyerno.