Ipinaabot umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasasalamat sa gobyerno ng Estados Unidos sa pagkakabalik ng Balangiga Bells sa kanilang pag-uusap ni US Secretary of State Michael Pompeo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isa ito sa naging tinalakay nina Pangulong Duterte at Sec. Pompeo kagabi sa Villamor Air Base, Pasay City.
Ayon kay Sec. Panelo, dito pinagtibay ni Pangulong Duterte ang malakas at matibay na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa kanyang panig, tiniyak naman umano ni Pompeo kay Pangulong Duterte ang kahandaan ng Estados Unidos na palakasin pa ang kooperasyon at palalimin ang ugnayan nito sa Pilipinas partikular sa mga isyung may kapwa interes ang dalawang bansa kabilang ang pagpapatag ng seguridad sa rehiyon at pagpapairal ng rule of law sa West Philippine Sea.
“The Chief Executive also relayed his gratitude to the United States for the return of Balanginga bells. The President then reaffirmed the strength of Philippines-US alliance. In response, US Secretary of State Michael R. Pompeo expressed confidence in the strength of Philippines-US alliance. He also reaffirmed their country’s commitment to strengthen cooperation and deepen engagement with the Philippines on matters of mutual interest and common concern at the regional and global arena, including the rule of law and need for a rules-based regime in the West Philippine Sea,” ani Sec. Panelo.