-- Advertisements --
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan ang mga nananamantala ng mga presyo sa mga probinsiyang apektado ng bagyong Odette.
Sa kaniyang “talk to the people” nitong Lunes ng gabi ipinag-utos niya sa nasabing ahensiya na mahigpit na ipatupad ang price caps sa mga basic goods kabilang ang mga gamot at construction materials.
Agad aniya na dapat isumbong ng DTI ang mga negosyanteng mapagsamantala sa mga kapulisan para maaresto at makasuhan ang mga ito.
Sa panig naman ng DTI ay sinulatan na nila ang mga inirereklamong negosyante dahil sa hindi makatarungang pagtataas ng kanilang mga presyo.