-- Advertisements --
Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kompaniya na makabili ng COVID-19 vaccine.
Isinabay ng pangulo ang anunsiyong ito sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa pangulo na inatasan na niya si Secretary Carlito Galvez na pirmahan ang lahat ng mga dokumento na pinapayagang lahat ng mga private sector na makabili ng kahit magkano ang halaga para sa kanilang mga empleyado.
Dagdag pa ng pangulo na nais niyang makabili ang mga private sectors para tuluyan ng mabuksan ang ekonomiya.
Paglilinaw kasi nito ang nabiling 1.2 milyon doses na COVID-19 vaccine ng gobyerno ay tamang-tama lamang sa mga frontliners at mga health workers.