-- Advertisements --

All set na ang inihandang seguridad ng militar bukod pa sa Presidential Security Group para sa pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon sa Malabang, Lanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay 6th Infantry Division Commander M/Gen. Cirilito Sobejana, kaniyang sinabi na mas pinili ng Pangulo na makasama sa Araw ng Kalayaan ang mga sundalo.

Ayon kay Sobejana, kabilang sa inihandang programa para sa Independence Day celebration ay ang wreath laying ceremony at magkakaroon din ng “talk to men” ang Pangulo.

Gaganapin ang programa sa mismong headquarters ng 6th Infantry Battalion.

Tiniyak naman ni Sobejana na “in placed” na ang kanilang inihandang seguridad para maging “safe and secured” ang pagbisita ng 74-year-old chief executive.

Samantala, sa Marawi naman ipagdiriwang ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang Independence Day.

Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, kasama ni Albayalde sa selebrasyon sa Marawi si Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Benjamin Madrigal.