-- Advertisements --

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP at PDEA matapos ang nangyaring barilan sa Quezon City.

Bukod kina PNP chief Police General Debold Sinas at PDEA director general Wilkins Villanueva ay kasama rin sa pulong si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Nauna na kasing inatasan ng pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na nasa ilalim ng Department of Justice na pangunahan ang imbestigasyon sa banggaan ng PDEA at PNP sa drug operations.

Magugunitang dalawang PNP members ang nasawi habang isang PDEA agent at imformant nila ang nasawi sa nasabing insidente.