-- Advertisements --

Nakipagpulong kagabi, Setyembre 16 si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng Kongreso.

Kasama sa pagpupulong ay sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Alan Peter Cayetano at House Major Leader Martin Romualdez.

Isa sa napag-usapn ay ang paglaban nila sa nagaganap na kurapsyon.

Sinabi naman ni Senator Christopher “Bong” Go, ang dating special assistant ng Pangulo, na handang dumalo sa pagdinig ng dalawang kapulungan ng kongreso bilang maging isang resource person sa paggawa ng hakban sa paglaban sa kurapsyon at red tape.