-- Advertisements --

Pinuri ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III si Pangulong Rodrigo Duterte dahil nagawa nitong bawasan ang kanyang pagmumura sa naging talumpati nito sa State of the Nation Address (SONA)

Naging malinaw aniya sa ngayon ang talumpati ng Pangulo kaya nabigyan ng gabay ang Kongreso sa tatahaking direksyon sa pamamagitan ng mga polisiyang binanggit nito.

Ayon kay Cabochan, suportado nila ang ilan sa mga nabanggit na polisiya ng Pangulo subalit mayroon din aniyang kailangan talagang bantayan at masuring mabuti.

Gayunman, tila hindi naman daw kumbinsido ng husto ang kongresista sa laman ng talumpati ni Duterte dahil mistulang naulit lamang daw ang mga nabanggit nito noong nakaraang taon.

Kung titingnan aniya, tatlong taon na ang nakalipas subalit problema pa rin ang iligal na droga at korapsyon sa bansa kaya kailangan muling pag-aralan ang hakbang na ginagawa ng gobyerno laban dito.