-- Advertisements --
Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu dahil sa ginawang pagpapaganda nito sa Manila Bay sa pamamagitan ng paglalagay ng white sand.
Sa kaniyang national address, sinabi ng Pangulo na dahil sa paglalagay ng puting dolomite sand ay dinarayo na tuloy ito ng mga tao.
Kaniya pang inalala noon ang naging hamon nito sa kalihim kung kaya ba niyang linisin ang Manila Bay.
Hindi rin ikinaila ng pangulo ang posibleng pagpuna ng mga kritiko sa nasabing proyekto.
Magugunitang dinayo ng maraming tao ang Manila Bay ng ito ay buksan sa publiko nitong Sabado subalit ito ay kanila ring isinara.