-- Advertisements --
Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Sa kaniyang talumpati sa isinagawang appreciation dinner kay Arroyo, sinabi nito na walang kahalintulad ang dating pangulo sa kasaysayan ng bansa sa pagkakaroon ng political will.
Naging susi aniya si Arroyo sa pag-angat ng bansa lalo na sa mga panahon na may pinagdaraanan ang bansa.
Ibinahagi rin ng pangulo na nahirapan itong pumili ng kandidato na papalit kay Arroyo kaya humingi rin ito ng payo sa dating Speaker kung sino ang maaaring papalit.