Pupulungin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Senado at Kamara de Representantes upang talakayin pondong ilalaan sa paglaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Inaasahan na dadalo rin sa pagpupulong sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget Secretary Wendel Avisado bukod pa kina Senate President Vicente Sotto III at Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Sotto, na mamayang hapon ang pagsagawa ng pagpupulong kung saan hihilingin nitong makadalo si Senator Pia Cayetano ang pinuno ng Senate Ways and Means Committee.
Magugunitang sinabi ni Speaker Cayetano na napagkasunduan nila ni Sotto, Medialdea at ilang cabinet offiicials na unahin muna ang pagpupulong bago magsagawa ng special session.