-- Advertisements --
Iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte na ginagampanan lamang niya ang kanyang trabaho bilang pinuno ng bansa.
Reaksyon ito ng Pangulo sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations kung saan 80% raw ng mga Pilipino ang nasisiyahan sa kanyang trabaho sa ikalawang quarter ng 2019.
Ayon sa Presidente, masaya raw ito kung kuntento ang mga Pinoy sa kanyang trabaho.
Kung hindi naman, sinabi ng Pangulo na kanya pang pag-iigihan ang kanyang trabaho at dagdagan pa ng pawis.
“Basta ako trabaho lang. If you are satisfied with my work im happy. If you are not satisfied I will work more, dagdagan ko ang pawis,” anang pangulo.
Batay sa nasabing survey, 12 porsyento lamang sa mga respondents ang nagsabing hindi sila kuntento sa trabaho ng Pangulong Duterte.