-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa mga member-economies ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) ang kahalagahan ng malayang daloy ng medical supplies, teknolohiya, lalong lalo na ng COVID-19 vaccines sa oras na available na ito para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang intervention sa virtual APEC Leaders’ Meeting kung saan isinulong nito ang comprehensive recovery na walang mapag-iiwanan mula sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Pangulong Duterte, kailangang talunin ang virus saan mang bahagi ng mundo, kung hindi ay walang ligtas na mahawa rito.

Ayon kay Pangulong Duterte, magagawa ito kung gagawing global public good o available sa lahat, mayaman man o mahirap na bansa.

Iminungkahi ni Pangulong Duterte ang ilang pamamaraan para matiyak na accessible sa lahat ang bakuna gaya ng bilateral at multilateral cooperation, gayundin ang tripartite arrangements sa pagita ng mga gobyerno, private sector at multilateral financial institutions.

“First, we have to ensure the unimpeded flow of medical supplies and technologies, especially COVID-19 vaccines. It is folly to assume that there can be pockets of safe havens in the face of a global pandemic,” ani Pangulong Duterte.