Hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) Business Advisory Council (BAC) sa pagpapahusay ng kasanayan ng mga manggagawa sa rehiyon upang makasabay ang mga ito sa makabagong teknolohiya.
“With the Fourth Industrial Revolution, we need your support in upskilling the ASEAN workforce,” wika ni Duterte sa pulong nito kasama ang mga ASEAN leaders at mga kinatawan ng BAC sa Thailand.
Nagpasalamat din ang Pangulong Duterte sa private sector partners ng ASEAN sa pagtulong sa mga micro, small, at medium enterprises na maging mas competitive.
“Your efforts to enhance the competitiveness of Asean MSMEs to become more inclusive human capital development and public-private partnerships are most welcome,†ani Duterte.
Binigyang-diin din ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng human empowerment and development project ng konseho.
Pinuri rin ng Pangulong Duterte ang progreso ng ASEAN Mentorship for Entrepreneurs Network, na inilunsad noong chairman pa ang Pilipinas ng regional bloc noong 2017.
“AMEN can build the capacities of MSMEs as [engines] of growth of our economies. Sustained mentorship can help MSMEs transform into more globally competitive entities, generating more quality jobs for their communities,” ani Duterte.
“May the ASEAN-BAC, together with the Joint Business Councils, continue to strengthen private sector partnerships in the region as we move towards an ASEAN Economic Community by 2025,” dagdag nito.