Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagrespeto sa soberenya at dignidad ng bawat bansa habang isinusulong ang kooperasyon para sa hangaring pag-unlad ng buong mundo.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang mensahe sa kanyang talumpati sa High Level Meeting Session I sa Belt and Road Initiative forum ngayong araw sa Beijing, China.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ang Belt and Road program na inorganisa ng China ay isang oportunidad para balikan ang tunay na kahulugan ng international cooperation na siyang susi sa pangkalahatang kaunlaran.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat alalahanin na ang development assistance ay maging instrumento para mabigyan ng positibong pagbabago sa buhay ng mga mamayan.
Iginiit ni Pangulong Duterte na ang development assistance ay dapat magpapalakas sa kapasidad ng isang bansa at hindi para gawin itong palaasa na lamang sa ayuda.
“The Philippines is one with every responsible member of the international community in building a future that would be the envy of history – one that promotes global cooperation yet upholds and respects national sovereignty; where national honor is married with the interest of humanity; and where the great challenges that transcend national borders are collectively addressed,” ani Pangulong Duterte.