-- Advertisements --

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na kailangan muna nilang kumuha ng clearance mula sa kanya bago dumalo sa Senate investigation kaugnay sa pagbili ng umano’y overpriced pandemic-related supplies.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi niya kinukuwestion ang otoridad at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” pero maraming mga iniimbitahang resource persons mula sa Ehekutibo ang inaabot ng ilang oras sa pagdinig at hindi rin nabibigyan ng pagkakataon para ihayag ang kanilang testimonya.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung sa tingin nito ay wala namang silbi ang pagdalo ng kanyang Cabinet officials sa Senate hearing maliban sa ipahiya at bastusin ng mga senador sa harap ng publiko, pagbabawalan na silang dumalo sa padinig.
Pwede naman daw ipa-contempt ng mga senador ang hindi sisipot sa kanilang pagdinig pero mayroon daw siyang otoridad sa mga Cabinet officials bilang pinuno ng Executive Department.

“We do not question the authority and the power of the Senate to investigate in aid of legislation. But alam mo kasi, nakita ko na pinapatawag ninyo almost so many persons and yet you only able to put the resource person for five, six, seven hours, ‘yung iba naghihintay na wala namang silbi, and yet the subpoenas are repeated every hearing at pinapatawag sila and they get most of the DOH officials in these morning hearings, they are all there doing nothing,” ani Pangulong Duterte.

“This time, I will require every Cabinet member to clear with me any invitation and if I think, that he will be called for walang silbi [no purpose] except to harass, to be berated in front of the republic, eh hintuin ko na yan at pagbawalan ko na (I will bar them from attending),” dagdag ni Pangulong Duterte.