-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (COMELEC) na nasusunod ang social distancing sa mga dumadalo ng campaign rallies sa nalalapit ng 2022 elections.

Sa kaniyang talk to the people nitog Lunes ng gabi, nagbabala ang pangulo sa pagkakaroon ng recontamination kapag hindi nasunod ang safety protocols ngayong panahon ng kampanya.

Dagda pa nito na walang gaanong magiging problema dito kung marami na ang naturukan ng COVID-19 vaccine subalit dahil marami pa rin ang hindi nabakunahan ay mahirap isapalaran ang kalagayan.

Nararapat na maglabas ang Comelec ng kautusan para sa nasabing pagsunod ng physical distancing.

Maari aniyang gawin ang pagkampanya sa Luneta Park basta masusunod ang COVID-19 protocols.