-- Advertisements --
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Energy (DOE) na agad na ibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Odette.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles, na ito ang unang nais ng pangulo na tugunan na solusyon matapos ang pagbisita sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Maging ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay inatasan ng pangulo na maglagay ng very small aperture terminal (VSAT) equipment sa Siargao ganon din ang satellite phones para matiyak ang koordinasyon sa Office of the Civil Defense.
Dagdag pa ng kalihim, mayroon ng go-signal ang pangulo para magamit ang mga assets ng gobyero para matiyak na nakakarating ng mabilis ang mga relief goods.