-- Advertisements --
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na iprayoridad ang mga allowances at benefits ng mga health workers.
Kasunod ito sa mga protesta ng ilang grupo ng mga health workers dahil sa naantalang bayad sa kanila.
Sa kanyang talk to the people nitong madaling araw ng Martes, sinabi nito sa DOH na bayaran ang mga frontliners kapag mayroon pang sapat na pera.
Magugunitang nagbanta ang ilang mga health workers mula sa pampubliko at pribadong sektor na magsasagawa ng kilos protesta dahil sa hindi pa sila nababayaran ng kanilang special risk allowance at ang pagtanggal ng kanilang mga benepisyo gaya ng meal and transportation allowance.