Hinihintay na lamang umano ng Food and Drug Administration (FDA) ang resulta ng clinical trial ng mga COVID-19 vaccines na gawang China para masimulan na nila ang gagawing evaluation sa mga ito.
Pahayag ito ng FDA mayapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si FDA director-general Eric Domingo na madaliin na ang pag-apruba sa mga bakuna na gawa ng mga kompanyang Sinovac at Sinopharm.
Ayon kay Domingo, dadaan sa mahigpit na evaluation ang mga medical products tulad ng bakuna, gaya ng sa US FDA at sa counterpart nito sa United Kingdom, para masiguro na ligtas at mabisa ang mga bakuna.
” ‘Yun pong (Sinovac) clinical trial Phase 3 is wrapping up in December at lalabas na ang interim results nila . . . Once we have that, then we can have an evaluation,” wika ni Domingo.
” ‘Yun lang, magiging stringent kasi wala pa silang pinaggalingang US FDA (US Food and Drug Administration) counterpart.”
Sinabi naman ni Pangulong Duterte na mas nais nito ang SinoPharm, dahil ginamit na ito sa mga sundalo sa China.
Aniya, gusto na nitong makakuha ng COVID-19 vaccine para mabakunahan na ang mga kasapi ng militar at pulisya.
“I take it as a declaration of its potency ‘yung (Sinopharm) has passed the test results. They gave it to almost 1 million of their soldiers,” ani Duterte.
“I have to be frank to tell the truth. Marami nang nagpatusok at lahat up to now wala pa akong narining (na masama). Gusto kong mauna sila (soldiers) because I don’t want a sickly Armed Forces, sickly police.
“They have to be in good health all the time because they are responsible for the law and order of the country.”
Humingi naman ng pasensya si Domingo para sa pag-apruba sa mga bakuna.
“Bagong-bago pa ’yung mga bakuna . . . Masyadong bago pa kasi ang platform at teknolohiya,” apela ni Domingo.