-- Advertisements --

Nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na matalakay sa bilateral meeting sa China ang Recto Bank incident.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang direktiba kagabi sa isinagawang 39th Cabinet kung saan tinalakay ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mangingisdang Pilipino sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat may katiyakan ang China na ginagarantiya nito ang karapatan at kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino.

Ayon kay Sec. Panelo, maglalabas siya ng statement kaugnay nito sa ngalan ng Office of the President (OP).

Una nang inihayag ni Sec. Panelo na hindi puwede ang “sorry” lang mula sa China at dapat mapanagot ang mga Chinese crew na bumangga at nang-abandona sa mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.

“Last but not the least, the Cabinet discussed the Recto Bank incident where PRRD told the Cabinet that the incident be discussed during the bilateral meetings with China. The President wanted China’s assurance that the rights and safety of our fisherfolks are guaranteed. This representation will be issuing a statement on behalf of the Office of the President during today’s press briefing on the matter,” ani Sec. Panelo.