-- Advertisements --

Handang magpakulong si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pahayag ng prosecutors office ng International Criminal Court na may basehan na kinokonsinte ng gobyerno ang mga alagad ng batas na patayin ang mga nasasangkot sa iligal na droga.

Ito ang naging hamon ng pangulo sa isinagawang national address niya nitong Miyerkules ng gabi.

Hindi rin nakalusot sa puna ng pangulo si dating Senator Antonio Trillanes matapos na pahayag nito na makukulong ang pangulo.

Dagdag pa ng pangulo na hindi dapat siya takutin ng dating senador dahil kung nakadestino itong makulong ay handa itong magpakulong.

Magugunitang nagsimula ang ICC ng kanilang preliminary examination matapos na maghain ng communication si Atty. Jude Sabio laban sa pangulo dahil sa hindi umano makataong kampanya kontra droga.

Dagdag pa ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na kanilang matatapos ang preliminary examination sa unang anim na buwan ng 2021.