Isinapormal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang $1-million pledge bilang kontribusyon sa COVAX initiative.
Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa GAVI COVAX Advance Market Commitment One World Protected Summit kahapon.
Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na lantaran ang hindi parehas na access ng lahat ng mga bansa sa bakuna laban sa COVID-19 kung saan 80% ng global supply ay napunta na sa mga mayayamang bansa.
Kaya iginiit ni Pangulong Duterte na kailangang maituwid ang “imbalance” sa vaccine distribution, kundi ay walang totoo at inclusive na global recovery na pag-uusapan.
“It is our moral responsibility to help each other and face this crisis with greater solidarity and urgency. While modest, our contribution demonstrates our firm commitment to this global fight against COVID-19,” ani Pangulong Duterte.