-- Advertisements --

TOKYO – Muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyanteng Japanese na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa business forum, sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang tinitiyak ang competitive at corruption-free na pagnenegosyo sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, itinataya nito ang kanyang dangal sa bawat Japanese investor na maglalagak ng negosyo sa Pilipinas.

Pinayuhan pa ni Pangulong Duterte ang mga Japanese investors na kung may problema sa kanilang pagnenegosyo sa Pilipinas, agad sabihin o isumbong sa kanya para daw patayin nila ang problema.

“I will give you at any hour of the day or night you can contact any of the Cabinet members or your Filipino lawyers or Filipino workers, and you can ask an audience with me in 24 hours and I will talk to you and just let me know what your problem is and we will kill that problem,” ani Pangulong Duterte.

“Well, short of. But as I am committed to do this, I place honor and my persona that what I guarantee here must be followed.”