-- Advertisements --
Duterte SONA Bills

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na gumawa ng hakbang para maging klaro ang nilalaman ng Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sinabi ni Pangulong Duterte, ilang kataga lang naman ang kailangan para mas maging malinaw ang isinasaad ng naturang batas at mawala ang kalituhan sa GCTA.

Ayon kay Pangulong Duterte, batay na rin sa kanyang pagkakaalam, may mga nagsumite na ng amendatory bill.

Pero habang hindi pa nangyayari ang amyenda, siya na mismo ang kikilos para matigil ang pagproseso ng GCTA at maibalik sa kulungan ang mga presong nakalaya kahit hindi naman kuwalipikado.

“As I have said, as President, it is my duty to solve the problem, rectify the error, and maybe ask Congress to come up with a law clarifying everything. Isang word lang ‘yan. One or two words. I think a lot of them have already submitted their amendatory bill,” ani Pangulong Duterte.