-- Advertisements --
duterte salutes
Duterte

Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa 22 mga mangingisdang Pinoy na binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank na bahagi ng West Philippine Sea.

Kasunod ito nang pagkadismaya ng mga mangingisda sa unang naging komento ng Pangulo sa pagbangga ng kanilang bangka.

Pero nanindigan pa rin ang Presidente na ang nasabing pangyayari ay isang “maritime incident.”

Ayon pa sa Pangulo humihingi ito ng paumanhin dahil walang nangyaring komprontasyon na maaaring magdulot magkaroon ng kaguluhan.

Bagamat hindi niya minamaliit ang mga mangingisda ay nagpapasalamat na lamang ito dahil sa walang namatay.