-- Advertisements --

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga punong barangay na pagbawalan ang mamamayan nila na hindi bakunado ng COVID-19.

Sa ginanap na “talk to the people” ng pangulo nitong Huwebes ng gabi, sinabi nito na dapat tandaan ng mga punong barangay ang mga hindi bakunadong mamamayan at huwag hayaang makalabas sa kanilang bahay.

Paglilinaw nito na hindi aarestuhin ang mga ito at sa halip ay pakiusapan lamang ang mga ito para hindi magdulot panganib sa iba.

Bilang pangulo aniya ay tungkulin nito na protektahan ang kalusugan ng karamihan kaya ito ang naiisip niyang paraan.

Maari aniyang magpakalat ang punong barangays ng mga sibilyan na siyang magsisita sa mga lalabas na indibidwal na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.