-- Advertisements --
Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese businessman sa bansa na sumunod sa batas na ipinapatupad sa bansa.
Sa kaniyang talumpati sa launching ng private company sa Aseana Business Park sa Parañaque City, sinabi nito na dapat huwag gumawa ng anumang kalokohan sa bansa ang mga Chinese businessman.
Iginiit ng pangulo na hindi magdadalawang isip ang gobyerno na ipatupad ang batas laban sa dayuhan na gumagawa ng anomalya.
Maging aniya ang mga dayuhan na tinaguriang ‘loan sharks’ na dumudukot sa mga kapwa nilang dayuhan na hindi nakakapagbayad ng utang ay kaniyang ipapahabol sa kapulisan.