-- Advertisements --

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato na tumatakbo ngayong midterm elections na huwag gumamit ng mga goons.

Sa kaniyang talumpati sa PDP Laban camapaign rally sa Malabon City, sinabi ng Pangulo na agad siyang magpapadala ng mga sundalo o kapulisan kung sakali para sila ay arestuhin.

Pagtitiyak pa ng Pangulong Duterte, alam aniya ng mga kapulisan at sundalo ang gagawin kapag may makitang mga kandidatong gumagamit ng mga private armies o goons.

Kasabay din nito, muling pinaalalahanan niya ang mga kapulisan na maging non-partisan at hindi makialam sa politika.

Kasabay nito, nagpaalala rin ang Presidente sa mga botante na wala silang utang na loob sa mga politiko.

“Remember they do not function na gastos nila. Wala akong nakita na politiko na gumastos ng sariling pera para ibigay sa tao. Inyo ‘yan. Galing sa bulsa ninyo ‘yan,” ani President Duterte. “Wala kayong utang na loob sa mga politiko.”