GENERAL SANTOS CITY – Pinaringgan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang mga may malalawak na lupain na sundin ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARP) Law.
Ito’y matapos bisitahin ng Pangulong Duterte ang lungsod ng GenSan para saksihan ang pamimigay ng 13,000 titulo sa mga agrarian beneficiaries sa rehiyon.
Nag-uumapaw ang kasiyahan ng 13,000 mga benepisyaryo nang matanggap ang titulo ng lupa na ibinigay ng gobyerno.
Nagmula pa sa Sarangani, South Cotabato at ibang probinsya ang mga agrarian beneficiaries na pigil-hiningang naghintay sa Pangulong Duterte sa loob ng Lagao Gymnasium.
Naghintay naman ng halos limang oras ang mga ito subalit napalitan ito ng kasiyahan nang pumasok na ang hihintay na bisita na si Pangulong Duterte.
Napag-alamang hindi na hinintay pa ang Pangulo na ipamigay ang mga titulo subalit ginawa na ito sa pamamagitan nina Agriculture Sec. Manny Piñol, Agrarian Reform Sec. Castriliones, GenSan Mayor Ronnel Rivera at South Cotabato 1st District Rep. Pedro Acharon Jr.
Isa ang GenSan sa mga lugar na may maraming mga negosyante na nagmamay-ari ng malalawak na lupain na hindi napasailalim sa CARP.